Sa kabila ng naranasang masamang lagay ng panahon ay hindi ito alintana ng mga deboto na nakikibahagi sa Traslacion.
Bagama’t ipinagbabawal, marami sa mga deboto ay nakapayong habang ang iba ay nakasuot ng jacket na may hood.
Hindi naman sila masita ng mga awtoridad dahil ilan sa mga nakapayong ay pawang mga senior citizens.
Bagama’t maagang umusad ang Traslacion, bahagya itong bumagal dahil sa ilang mga deboto ang nag-short cut para maunan o makalapit sa Andas.
Ilang deboto naman ang pansamantalang nagpahinga at gumilid dahil sa sobrang siksikan na nararanasan.
Marami pa rin mga deboto ang humahabol na ang karamihan ay mula pa sa ibang lungsod at lalawigan kung saan ang tantiya ng Quiapo Church Command Post ay nasa 657,700 ang nakiisa sa Traslacion.
Mahaba rin ang pila ng mga deboto sa Quirino Grandstand para sa tradisyunal na pahalik kung saan tinatayang nasa 200,000 naman ang bilang nito.