Mga debotong dumadagsa sa ikalawang araw ng ‘pahalik’ sa pista ng Itim na Nazareno, higit 40,000 na

Patuloy na dinadagsa ng mga deboto ang ikalawang araw ng ‘pahalik’ sa Quirino Grandstand sa Maynila para sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.

Batay sa tala ng Manila Police District, umabot na sa higit 40,000 deboto ang pumila sa ‘pahalik’ sa Poong Nazareno simula pa nitong Linggo.

Kalakip ng mga deboto ang kani-kanilang panata at hiling sa Poong Nazareno.


Sa interview ng RMN Manila sa isa sa mga deboto na si Ginang Zenaida Alvis, 61-anyos ng Caloocan City, sinabi nito na 20-anyos pa lang siya ng magsimulang maging deboto ng Poong Nazareno,

Giit ni Ginang Alvis, sa Poong Nazareno sila kumakapit at tumatawag tuwing nahaharap ang kanyang pamilya sa problema kaya naging panata na nila na mag-vigil simula mamayang gabi sa Quirino Grandstand para sa pagsisimula ng traslasyon.

Samantala, patuloy ang paalala ng pamunuan ng Quiapo Church na tumalima sa mga patakaran na kanilang inilatag upang maging matiwasay ang pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.

Inaasahan na aabot sa 2.3 milyong deboto ang dadalo sa traslasyon na magsisimula bukas ng madaling araw.

Facebook Comments