MGA DEBOTONG KATOLIKO,IPINAGDIWANG ANG SOLEMNITY OF THE EPIPHANY OF OUR LORD SA LINGAYEN

Ipinagdiwang ng mga debotong Katoliko ang Solemnity of the Epiphany of Our Lord kasabay ng unang Linggo ng taon sa bayan ng Lingayen.

Maagang nagtungo ang mga mananampalataya sa Co-Cathedral Parish of the Epiphany of Our Lord kung saan isinagawa ang Dawn Procession alas-kwatro ng umaga, na sinundan ng banal na misa at Solemn Eucharistic Celebration.

Ang pangunahing pagdiriwang ay pinangunahan ni Socrates B. Villegas, Arsobispo ng Lingayen-Dagupan, bilang bahagi ng taunang pista ng parokya.

Kasabay naman ng pagdiriwang ang paglalaan ng ilang deboto ng kanilang mga kahilingan para sa taon, tulad ni Tatay Renato na humiling ng patuloy na kalakasan ng pangangatawan upang magampanan niya ang kanyang mga tungkulin sa pamilya.

Ang Epipanya ay paggunita ng pagpapahayag ni Hesukristo bilang Anak ng Diyos at Tagapagligtas ng sanlibutan, na sinisimbolo ng pagdalaw ng mga pantas mula sa Silangan, isang paalala na ang kaligtasan ay iniaalok sa lahat ng tao.

Facebook Comments