Mga debotong may karamdaman, pinayuhan na huwag nang sumama sa Traslacion

Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga debotong may karamdaman o may sakit na huwag nang sumali sa taunang prusisyon ng Itim na Nazareno bukas, January 9.

Payo ni DOH Secretary Francisco Duque III – mas mainam na lamang na magdasal sa loob ng tahanan upang manatiling ligtas at hindi magdulot ng malalang kumplikasyon ang iniindang sakit.

Napansin din ng kalihim na karamihan sa mga deboto ay nakararanas ng hypertension.


Una nang magpapakalat ang DOH ng 14 medical teams sa ruta ng prusisyon.

Tinatayang nasa limang milyong deboto ang sasama sa prusisyon ng Poong Nazareno.

Facebook Comments