Mga deep wells na ipinasasara, bubuksan muna ng DENR upang matugunan ang krisis sa tubig

Bubuksan muna  ng Department of Environment and Natural Resources ang ilang mga  deep well na una na nitong   ipinasara upang matugunan ang kakulangan sa suplay sa tubih.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, kabilang sa mga deep well na bubuksan muna ay ang  sakop ng  Manila water east zone concession.

Inaasahan aniya na makakapagbigay ito ng dagdag na 130 million liters per day na suplay ng tubig.


Dagdag ni Antiporda , bubuksan lamang ang  deep wells hanggang  Octubre dahil inaasahan naman  panahon na ito ng tag ulan.

Facebook Comments