
Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na sisimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagpapalabas ng matagal nang naantalang allowances para sa mga guro at non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ayon kay Moreno, nakalikom ang lungsod ng karagdagang ₱160 milyon mula sa mga national government contractors na nag-ooperate sa Maynila.
Ang naturang halaga ay gagamitin upang tugunan ang mga pagkakautang ng lungsod sa mga guro na nagsimula pa noong Abril.
Sinabi ng alkalde na ang dagdag na koleksiyon ay resulta ng pinaigting na fiscal management at mas mahigpit na pangongolekta ng hindi nabayarang buwis mula sa mga kompanya at kontratista ng mga proyektong pambansa tulad ng flood control at public works.
Ang unang bugso ng pondovay katumbas ng allowance para sa buwan ng Abril na nagkakahalaga ng ₱25 milyon kung saan ipamamahagi ito sa halos 11,000 guro at non-teaching staff ng Schools Division Office of Manila.









