Mga delegado ng ASEAN Summit – tiwala sa inilatag ng security preparations ng pamahalaan

Manila, Philippines – Kampante ang mga delegadong dadalo sa ASEAN summit sa inilatag na seguridad ng Philippine National Police at mga concern agencies.

Sa katunayan sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Rob Bolivar, ngayong araw ay inaasahang magsisimula ang pagdating sa bansa ng iba’t ibang heads of state mula sa anim na bansang kasapi ng ASEAN.

Kaugnay nito, kabilang anya sa mga tatalakayin ng ASEAN leaders ang ASEAN community building, economic cooperation at socio-cultural cooperation para sa ikabubuti ng mga mamamayan.


Hihimayin din ang isyu tungkol sa lumalalang climate change at disaster relief capabilities o ang kakayahan ng pagtulong sa panahon ng kalamidad.

Hinggil naman sa code of conduct, pinag-uusapan pa aniya ang framework nito na inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng taon.
DZXL558

Facebook Comments