Mga delegado para sa 50th ASEAN Ministers’ Meeting, isa isa nang nagdadatingan sa bansa

Manila, Philippines – Inaantabayanan ngayong bago mag-alas singko ng hapon ang arrival ni Minister Anifah Aman ng Malaysia para dumalo sa 50th ASEAN Ministers’ Meeting.

Susundan naman ito ng pagdating mamayang alas siete ng gabi ni Minister Vasantha Senanayake ng Sri Lanka.

Bukas naman, Auguest 3 ay dadating ang delegado ng Cambodia, Laos, Shanghai Cooperation Organization, Indonesia,Turkey at Singapore.


Sa August 4 ay dadating ang delegado ng South Korea, Australia, China, New Zealand at United States.

Sa Linggo, August 6 ay dadating ang delegado ng North Korea, European Union, India, Bangladesh, Japan, at Mongolia

Sa Lunes, August 7 ay dadating naman si Minister Tone Skogen ng Norway.

Kaugnay nito, tiniyak ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na bantay-sarado ng pulisya ang dalawamput isang hotels na tutuluyan ng ASEAN delegates at mg foreign media.

Facebook Comments