Mga delegadong dadalo sa ASEAN Ministers’ Meeting, magsisimula nang dumating ngayong araw

Manila, Philippines – Magsisimula nang dumagsa ngayong araw ang mga delegadong dadalo sa 50th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting na sisimulan ngayong araw.

Unang dadating mamayang hapon si Minister Anifah Aman ng Malaysia at mamayang gabi ay dadating naman si Minister Vasantha Senanayake ng Sri Lanka.

Bukas naman, Aug 3 ay dadating ang delegado ng Cambodia, Laos, Shanghai Cooperation Organization, Indonesia ,Turkey at Singapore.


Sa August 4 ay dadating ang delegado ng South Korea, Australia, China, New Zealand at United States.

Sa Linggo, Aug 6 ay dadating ang delegado ng North Korea, European Union,India,Bangladesh,Japan at Mongolia.

Sa Lunes, Aug 7 ay dadating naman si Minister Tone Skogen ng Norway.

Facebook Comments