MGA DELIVERY TRUCK, PINAGBAWALAN NANG PUMARADA SA HARAP NG DAGUPAN CITY PLAZA

Tuluyan nang pinagbawalang pumarada sa harap ng Dagupan City Plaza ang mga delivery truck na nag-aangkat ng isda matapos isagawa ang clearing operation ng Public Order and Safety Office (POSO).

Matagal nang ipinagbabawal ang pagpaparada ng mga malalaking truck sa lugar sa bisa ng umiiral na ordinansa, ngunit kamakailan ay muling napuno ang kalsada at inireklamo na ng mga residente ang masangsang na amoy.

Ayon sa POSO, ililipat na ang mga truck sa ilalim ng tulay sa New De Venecia Road bilang itinalagang parking area.

Upang matiyak na hindi na babalik ang mga ito, nilagyan ng lubid ang paligid at ipinatupad ang 24-oras na pagbabantay ng mga personnel.

Babala ng ahensya, huhulihin at pagmumultahin ang sinumang magtatangkang muling pumarada sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments