Mga DepEd Officials na dawit sa textbook scam, posibleng maharap sa kasong plunder

Manila, Philippines – Malaki ang posibilidad na maharap sa kasong plunder ang mga opisyal ng Department of Education na mapapatunayang sangkot sa undistributed textbooks at kwestyunableng textbook contracts ng ahensya.

Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, dapat na may managot sa anomalyang ito na kinasasangkutan ng DepEd.

Aniya, walang ibang dahilan dito kundi ang korapsyon at dapat na mapaimbestigahan ito ng Kamara upang hindi na maulit ang katiwalian sa hinaharap.


Sinabi naman ni Negros Oriental Representative Anulfo Teves na dapat plunder ang ikaso sa mga opisyal ng DepEd na mapapatunayang guilty sa isyu dahil lagpas P50 million ang halaga na pinaguusapan dito.

Sa 2018 Commission on Audit report, P254 million ang textbook contracts habang P113.7 million naman ang undistributed textbooks.

Facebook Comments