Pinapaimbestigahan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Senate Blue Ribbon Committee ang mga depektibong bagon ng Light Rail Transit Line 1(LRT-1).
80 sa 120 mga bagong bagon na binili ng pamahalaan mula sa isang Spanish company noong 2017 ang nadiskubreng hindi mapapakinabangan dahil sa pinapasok ng tubig.
Ayon kay Pimentel, ang lahat ng ulat ng katiwalian at mga iregularidad sa pamahalaan na may kinalaman sa procurement at pagdedesisyon ay nararapat lamang na masusing masiyasat ng Blue Ribbon Committee.
Sa tingin pa ng lider ng oposisyon, kailangan na ng matinding crackdown sa katiwalian lalo pa’t nasa punto ang lipunan na ang tingin sa korapsyon ay napakalawak na.
Dagdag pa ni Pimentel, ang Blue Ribbon Committee ay bahagi ng mekanismo na maaaring gamitin para labanan at iwasan ang korapsyon sa pamahalaan.