Ang Comelec ang may pagkukulang sa mga depektibong kagamitan na ginamit sa halalan.
Ito ang ipinahayag ng mga guro na nagsilbing electoral board sa midterm elections sa Comelec.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers National Chairperson Joselyn Martinez, bilang mga front-liners sa halalan inilagay ng COMELEC sa alanganing sitwasyon ang kalagayan ng mga guro .
Bukod sa heavy workloads, nagiging biktima din sila ng panghaharass at pagbabanta dahil sa kapalpakan ng mga VCM at Voter Registration Verification Machine (VRVM).
Hindi naman masisisi ng mga guro ang mga botante na kumukwestyon sa integridad at kredibilidad ng 2019 Midterm Elections.
Base sa datus na nai-dokumento sa election hotline ng ACT , 67.72% ng kabuuang ulat ay may kaugnayan sa machine at paraphernalia issues.
Aminado ang COMELEC na may 400 hanggang 600 VCMs ang malfunctioned sa panahon ng botohan.
220% na mataas ito kumpara noong 2016 national and local elections.
Kabilang din sa mga natanggap na reklamo ng ACT Hotline ay mga kaso ng vote-buying at black propaganda.