Nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa mga nangyaring aberya sa mga Vote Counting Machine (VCM) at SD cards noong araw ng halalan, Mayo 9.
Ayon kay COMELEC acting Spokesperson Rex Laudiangco, iniimbestigahan na nila ang insidente bago pa man ito ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Katunayan aniya, pinag-aaralan na ng national tech support center ang mga ticket habang nakipagpulong na rin sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Nabatid na hindi bababa sa 1,800 VCMs at SD cards sa 1,867 polling precincts ang pumalya noong araw ng botohan.
Facebook Comments