Mas mabibigyan na ng pagkakataon ang mga “deserving” na mag-aaral na tapusin ang kanilang edukasyon matapos na gawing ganap na batas na ang “No Permit, No Exam Prohibition Act”.
Ayon kay Higher, Technical and Vocational Education Chairman Chiz Escudero, inaasahang mas maraming mahihirap pero deserving na mga estudyante ang mabibigyan ng oportunidad na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Aniya pa, ang batas na ito ang isa sa mga magandang pamana na maiiwan ng kasalukuyang gobyerno dahil sa mahabang panahon ay matatapos na rin ang pangamba ng mga mag-aaral na hindi makakuha ng pagsusulit dahil sa may utang pang naiwan sa paaralan.
Samantala, hinimok naman ni Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian ang mga educational institutions na sumunod sa batas at tuluyang ihinto na ang nakasanayan para sa kapakanan ng mga estudyante.
Naniniwala rin ang senador na ang mga mag-aaral at kanilang mga pamilya ang higit na makikinabang sa batas na ito.