
Manila, Philippines – Sa Davao City na tatapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang talumpati para sa kanyang State of the Nation Address o SONA sa darating na Lunes.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, papunta na ng Davao City ang Presidential Communications team bukas para doon ilatag ang preparasyon ng Pangulo sa kanyang SONA at doon na aniya isasapinal ng Pangulo ang kanyang ulat sa bayan.
Pangungunahan aniya ng Communications Team ang briefing sa Pangulo para ipaliwanag ang technical production sa Pangulo para sa kanyang SONA.
Matatandaan na sinabi ni Andanar na nasa 80 hanggang 90% na ang SONA speech ng Pangulo at maaari na itong matapos bago bumalik ng Metro Manila si Pangulong Duterte.
Facebook Comments









