Muling nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi nila pagbabawalang pumasok sa paaralan ang mga hindi bakunandong guro at estudyante.
Ayon kay DepEd Spokesman Atty. Michael Poa, walang ini-utos ang pamahalaan na huwag papasukin ang mga guro at estudyante na hindi bakunado.
Pero panawagan ni Poa, na kung maaari ay magpabakuna na ang mga ito, para sa kaligtasan nila at ng kanilang kapwa guro at mag-aaral.
Magkakaroon naman aniya ng mobile vaccination ang mga paaralan sa unang araw ng pasukan.
Kaugnay nito, hinimok ng DepEd ang mga hindi bakunadong guro at mag-aaral na samantalahin ang pagpapabakuna sa mobile vaccination bilang proteksyon kontra COVID-19.
Facebook Comments