Mga digital platform at e-commerce, binalaan ng DTI laban sa pagbebenta ng iligal na vape product

Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga e-commerce at digital platforms laban sa pagbebenta ng mga iligal na vape products.

Ayon sa DTI, agad na nilang inatasan ang mga digital platform upang tanggalin ang mga ito mula sa kanilang mga website at tiyaking sumusunod ang mga ito sa Internet Transactions Act of 2023 at sa Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.

Ayon pa sa ahensiya, sa ilalim kasi ng Office for the Special Mandate on Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products, natuklasan ng DTI ang mga paglabag sa online selling ng vape products.

Maaari namang i-report ang mga paglabag sa DTI sa pamamagitan ng e-mail, habang ang consumer complaints ay maaaring isumite sa Consumer Care System ng ahensiya.

Samantala, may anim na araw lamang ang mga online platforms para alisin ang mga lumalabag na listings.

Facebook Comments