Malugod na tinanggap ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong araw ang mga diplomats mula Brunei at Italy na nag-courtesy visit sa kaniya bago pa siya pormal na manumpa bilang pang-17 pangulo ng bansa.
Ito ay sina Brunei Darussalam Ambassador Johairah Wahab, kinatawan din ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Italy Ambassador Marco Clemente, ang pang-apat na European diplomat na bumisita kay Marcos.
Pinasalamatan naman ni Clemente si incoming President Marcos para sa kanilang pulong.
Ang Pilipinas at Italy ay nakatakdang magdiwang ng pang-75 taon ng kanilang bilateral ties.
Kapwa naman binigyan ni Marcos ang mga naturang mga ambassador ng inabel fabric, traditional weave mula sa kaniyang home region na Ilocos.
Samantala, nakatakda naman ngayong buwan ang pagpupulong ni President-elect BBM at mga US top official.