
Hinimok ni Senator Erwin Tulfo ang magasawang contractor na sina Pacifico at Sarah Discaya na gayahin si dating Bulacan- Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant District Engineer Brice Hernandez na magsalita na rin sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay Tulfo, may mga mahahalagang impormasyong naibahagi na si Hernandez sa komisyon batay kay ICI Special Adviser Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
At tulad kay Hernandez ay dapat na ring ikanta ng mag-asawang Discaya kung sino ang mga kasabwat nilang matataas na opisyal.
Sinabi ni Sen. Erwin na kung natatakot ang mga Discaya na magsalita sa Blue Ribbon Committee ay sa ICI na lamang sila magsalita dahil lahat ng kanilang magiging pahayag doon ay strictly confidential.
Umaasa rin ang senador na mamadaliin ng ICI ang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa katiwalian ng mga ghost projects lalo’t tukoy naman na kung sino-sinong mga opisyal ang nasa likod ng anomalya.









