Mga Discaya, ibinulgar na rin ang paggamit ng ilang mga politiko sa mga DPWH officials para makapaningil sa kanila ng porsyento ng kickback

Inamin ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Pacifico “Curlee” Discaya ang paggamit ng ilang mga politiko sa mga Department of Public Works and Highways (DPWH) officials para makasingil ng kickback sa mga kontratang ini-award sa kanila.

Sa pagdinig ay sinabi ni Curlee na ang mga porsyento ng mga hinihinging kickback ay aabot ng 25% at ito’y ipinipilit sa kanila na dapat nilang maibigay sa mga politiko.

Kabilang sa mga ginagamit na kinatawan ng mga kongresista para makakuha ng porsyento sa halaga ng kanilang kontrata ay ang mga sumusunod:

Regional Director Eduardo Virgilio of DPWH Region 5
Director Ramon Ariola III of Unified Management UPMO
District Engineer Henry Alcantara, DPWH Bulacan First District Engineering.
Undersecretary Robert Bernardo
District Engineer Aristotle Ramos of DPWH Metro First Pasig City
District Engineer Manny Bulusan of DPWH North Manila, DEO.
District Engineer Edgardo C. Pingol of DPWH Bulacan SubDEO.
District Engineer Michael Rosaria of DPWH Quezon Second, DEO.

Sinabi ni Discaya na karaniwan sa mga DPWH officials na nabanggit ay paulit-ulit na ang sinasabi na ang delivery ng pera ay para kay Cong. Zaldy Co at it ay dapat nasa 25%.

Samantala, tinukoy rin ng mga Discaya si Cong. Marvin Rillo ng Quezon City na sa tuwing magkikita para makapaningil sa kanila ay binabanggit na malapit na kaibigan si Spekaer Martin Romualdez at sinasabing ang Speaker din ang nag-apruba ng insertions ng pondo.

Gayundin si Cong. Jojo Ang ng Uswag Iloilo party-list ay sinasabing hindi lahat ng pera ay para sa kanya kundi para din kina Co at Romualdez.

Dahil sa mga naging rebelasyon ng mga Discaya ay humihingi ang mga ito ng proteksyon sa Senado at kay Pangulong Bongbong Marcos.

Facebook Comments