Mga disenyo ng barya, nakatakdang ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas – deadline sa pagpapalit ng mga lumang pera, hindi na palalawigin

Manila, Philippines – Wala nang aasahang extension ang publiko sa pagpapapalit ng lumang pera na magtatapos sa Biyernes, June 30.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Diwa Guinigundo – wala ng planong palawigin ang deadline dahil makailang beses na itong na-extend.

Dahil ditto, simula sa July 1 – mawawalan na ng halaga ang lumang disenyo ng pera kung saan ang “new generation currency” na ang tatanggaping lehitimong salapi.


Sa ngayon, limang porsyento na lamang anya ng mga lumang disensyo ng pera ang nasa sirkulasyon.

Samantala – malapit na rin ilunsad ng Bangko Sentral ang bagong generations ng mga barya.

Facebook Comments