Hinihingi ngayon ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa mga displaced residents, o mga pamilyang nawalan ng tahanam dahil sa giyera sa marawi noong 2017, ang kanilang pasensiya, pang-unawa at suporta sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng siyudad.
Sa pinakahuling press briefing ng TFBM sa loob ng most affected area, muling sinabi ni Housing Secretary at TFBM Chairman Eduardo Del Rosario, ang commitment ng gobyerno na tulungan ang marawi sa muling pagbangon nito.
Aniya, kailangan ng gobyerno ang kooperasyon ng mga residente upang mapabilis ang pagtatrabaho ayon sa utos ni Presidente Duterte.
Sa pinakahuling public consultation ng TFBM, hiniling ng mga residente na makabalik na sa kani-kanilang mga lugar sa ground zero upang makapagsimulang magtayo ng kanilang bahay.
Ngunit hindi pa sila pinayagan dahil hindi pa tapos ang clearing ng mga unexploded ordnance.