Naglabas ng isang executive order ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para pagkalooban ng one-time P2,000 cash aid ng Quezon City government ang mga residente na nawalan ng trabaho sa panahon ng 2-week Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa ilalim ng criteria ng Kalingang QC Program, dapat ay residente ng lungsod ang mga kwalipikadong manggagawa at dapat ay maipakita ang certification ng employer na wala silang suswelduhin sa panahong ipinairal ang ECQ.
Ang mga self-employed naman ay dapat magpakita ng barangay certification na naapektuhan ang kanilang negosyo ng hard lockdown.
Kabilang sa pagkakalooban ng cash assistance ay mga regular employee, probationary, part time, seasonal at fixed term na manggagawa.
Lahat ng mga eligible applicant ay kinakailangang mag-fill-up at mag-submit ng application forms kasama ang documentary requirements sa kanilang barangay.