Mga distressed business, maaaring mag-avail ng bank loans para sa 13th month pay – DOLE

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga distressed business na hindi kayang magbigay ng 13th month pay sa mga manggagawa nito na mag-avail ng loan sa mga bangko.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bukas ang Bankers Association of the Philippines sa pagbibigay ng laon sa mga negosyong matinding naapektuhan ng COVID-19.

Bukod sa paghiram sa mga bangko, sinabi pa ni Bello na sinisilip ng kagawaran na i-subsidize ang 13th month pay para sa mga empleyado mula sa Micro at Small Enterprises (MSEs).


Muling nanindigan ang DOLE na walang deferment sa pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado.

Ang 13th month pay ay dapat naibibigay bago sa mismong araw ng December 24 at walang extension.

Facebook Comments