
Nakahanda na ang pitong district hospitals ng Lungsod ng Maynila, partikular ang kanilang mga emergency room, para sa anumang firecracker-related injuries habang papalapit at sa mismong pagdiriwang ng Bagong Taon.
Bukod dito, naka-heightened alert ang lahat ng ospital upang matiyak ang mabilis at maayos na serbisyong medikal sa mga posibleng mabibiktima.
Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Maynila na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga ilegal na paputok dahil sa panganib nito sa kalusugan at buhay, gayundin sa posibilidad ng sunog sa mga kabahayan.
Inatasan din ang lahat ng barangay officials at kapulisan na mahigpit na ipatupad ang batas upang masalubong ang taong 2026 nang ligtas, payapa, at maayos.
Facebook Comments










