Mga distrito na nakakuha ng malalaking flood control projects sa Maynila, ilalantad

Isisiwalat ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga impormasyon kaugnay sa mga flood control projects sa lungsod.

Sa gitna ito ng kontrobersiya sa mga palpak at ‘ghost’ flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa alkalde, nakakalungkot na isa ang Maynila sa may pinakamaraming flood control projects pero patuloy na pineperwisyo ng mga pagbaha.

May daan-daang mga naturang proyekto aniya ang lungsod pero ngayon lamang niya ito nalaman.

Handa rin si Moreno na isiwalat ang mga distrito na nakakuha ng malalaking halaga ng flood control project.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang declogging at paglilinis ng estero ng mga tauhan ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa iba’t ibang bahagi ng lungsod para mabawasan ang problema sa mga pagbaha.

Facebook Comments