Mga doktor at nars ng PNP General Hospital, unang tuturukan ng Sinovac vaccine

Prayoridad ng Philippine National Police (PNP) na bakunahan ang mga doktor at nars ng PNP General Hospital na tumitingin sa mga COVID-19 patients.

Sinabi ito ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kaugnay ng pagsisimula ng National vaccination program ngayong araw.

Ang PNP General Hospital sa Camp Crame ang isa sa mga ospital sa Metro Manila na nakakuha sa unang batch ng 600,000 bakuna ng Sinovac na dumating mula sa China kahapon.


800 ang nasa kanilang inisyal na priority list ng PNP na mabakunahan ngunit hindi matatapos ang lahat ng ito sa loob ng isang araw.

Dahil sa kasalukuyan aniya ay 100 vaccinations per day ang kayang isagawa ng PNP General Hospital.

Facebook Comments