Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ang sinumang doktor na magbibigay ng anti-parasitic drug na Ivermectin na mayroong compassionate use permit ay may pananagutan para sa mga posibleng side effects.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, isa sa requirements sa pag-a-apply ng compassionate use permit ay ang assurance ng doktor na may responsibilidad siya sa paggamit sa naturang gamot.
Ang proseso sa compassionate use application para sa Ivermectin ay inaabot lamang ng isa hanggang dalawang araw kung kumpleto ang mga requirements.
Matatandaang inaprubahan ng FDA ang compassionate use application ng isang ospital para sa paggamit ng Ivermectin sa tao.
Facebook Comments