Mga doktor, umapela sa publiko na suportahan ang imbestigasyon ng Senado ukol sa iregularidad sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies

Humarap din ang grupo ng mga doktor sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y maanomalyang transaksyon sa pagitan ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) at Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Sa pagdinig ay nanawagan sa publiko si Philippine College of Physicians President Dr. Encarnita Limpin na suportahan ang imbestigasyon ukol sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies para lumabas ang katotohanan.

Binigyang-diin naman Dr. Anthony Leachon, dating pangulo ng Philippine College of Physicians, na responsibilidad ng lahat na magtulungan para malinis ang ating lipunan sa katiwalian para sa kabutihan ng nakararami.


Ayon kay Leachon, anim na dating kalihim ng Department of Health at iba’t ibang samahan ng mga doktor sa bansa ang kanilang kaisa laban sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno at hiling na pahusayin ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Facebook Comments