Mga dokumento para sa aplikasyon ng Emergency Use Authorization ng Sinopharm, nasa DOH na

22

Hawak na ng Department of Health (DOH) ang ilang dokumentong para sa Emergency Use Authorization (EUA) application ng Sinopharm.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, naisama na nila ang mg nasabing dokumento sa aplikasyon ng kompanya para sa EUA ng kanilang COVID-19 vaccine.


Aniiya, naipaabot na rin nila sa Food and Drug Administration (FDA) ang intensyon nito na magsumite ng aplikasyon para sa EUA.

Paliwanag ni Vergeire, pino-proseso na nila ang aplikasyon at maghihintay na lamang ng desisyon ang FDA.

Facebook Comments