
Tinalakay sa isinagawang briefing activity ng Department of Agriculture RFO1 para sa mga magsasaka sa rehiyon ang ukol sa mga dokumentong kakailanganin para sa pagkuha ng mga kagamitang pangsaka maging ang accreditation ng RCEF.
Dito ay naimbitahan ang nasa humigit kumulang dalawampung mga magsasaka mula sa iba’t ibang bayan at lugar sa rehiyon.
Ang pagsasagawa ng naturang aktibidad na ito ay upang mapabilis ang pagpoproseso ng dokumentaryo ng mga magsasaka kapag nag-avail ng production, postharvest, at processing equipment mula sa DA.
Karagdagan kaalaman rin ito sa mga pamamaraan sa pagpaparehistro at pag-renew ng certificate of good standing, at ang pagsunod at mga tax exemptions ng mga kooperatiba. |ifmnews
Facebook Comments









