Mga dokumento ukol sa tangkang pagtakas palabas ng bansa ng magkapatid na Dargani, pinapasumite ng Senado

Pinapasumite ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga dokumento ukol sa umano’y tangkang pagtakas patungong Kuala Kumpur, Malaysia ng magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani na parehong opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporations.

Ang paghingi sa mga dokumento ay laman ng liham ng komite sa Globan Aviation Corporation.

Ang mag kapatid na Dargani ay naaresto kagabi ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms sa Davao International Airport sakay ng isang chartered plane galing umano sa Singapore.


Simula kagabi hanggang ngayon ay naka-detain sa Senado ang magkapatid na Dargani at kanina ay isinailalim na sila sa medical check ng Senate Medical and Dental Bureau (MDB).

Kabilang sa sinuri ay ang kanilang vital signs, medical history at isinailalim din sila sa physical examination para matiyak na maayos ang kanilang kalusugan habang nasa kustodiya ng Senado.

Na-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee ang magkapatid na Dargani noong October 19 dahil sa pagtanggi nilang magsumite sa Senado ng financial records ng Pharmally.

Facebook Comments