Mga dokumentong may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects, dapat tiyaking maiingatan

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Party-list Representative Leila de Lima na tiyaking maiingatan ang lahat ng dokumento at mga ebidensyang kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Panawagan ito ni de Lima sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) at sa iba pang kaukulang ahensya tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), National Bureau of Investgation (NBI), at Philippine National Police (PNP).

Hiling din ni de Lima na ma-retrieve o mabawi ang mga itinago o sinirang mga dokumento at record, at kasuhan ang mga nasa likod ng tampering.

Sabi ni De Lima, siguradong gumagalaw na ang galamay ng mga sindikato at buwaya para pagtakpan ang kanilang krimen at sabwatan.

Kaugnay nito ay muling iginiit ni de Lima ang agarang pagpasa sa kanilang panukalang batas na bumuo ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption na mas may ngipin na magpa-contempt at magpakulong kumpara sa ICI na binuo lang sa batay sa Executive Order.

Facebook Comments