Mga dokumentong nakumpiska sa condo ni dating Cong. Zaldy Co, pwedeng i-subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee

Maaaring i-subpoena ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga dokumentong nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa condominium units ni dating Cong. Zaldy Co sa BGC sa Taguig.

Ayon kay Senate President pro-tempore Ping Lacson, pupwede nilang hingiin sa NBI ang mga dokumento para makumpleto ang kanilang records ukol sa katiwalian sa flood control projects kung saan nadidiin ang dating kongresista.

Posible aniyang may mga dokumento si Co na maaaring makatulong sa Senado para makagawa ng bagong batas mula sa isinasagawang imbestigasyon.

Sa Enero ng susunod na taon ay muling magpapatawag si Lacson ng pagdinig ukol sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi pa ng mambabatas na posibleng ito na ang magiging huling pagdinig dahil may mga kaso nang nakasampa sa korte kaugnay sa nasabing katiwalian.

Facebook Comments