Umabot sa 70 na mga domestic animals na karamihan ay mga kabayo ang nasagip ng PNP-Maritime Group sa Isla ng Taal volcanos.
Sa mga larawan na ibinahagi ng PNP Maritime Group, makikitang balot ng abo ang mga kabayo na nasagip.
Agad na pinakain ang mga hayop na pawang nanghihina na matapos maiwan ng ilang araw sa isla.
Kaugnay nito, pinayagan naman ng mga otoridad ang mga residenteng sa bayan ng Agoncillo, batangas na pansamantalang makabalik sa tahanan.
Kabilang ang bayan ng Agoncillo sa Batangas sa pasok sa 14-kilometer danger zone kaya agad na nagpatupad ng mandatory evacuation at lockdown sa lugar.
Sa interview ng RMN Manila kay Agoncillo, Batangas Mayor Daniel Reyes, binigyan nila kaninang umaga ng apat na oras mula kaninang alas 6:00 hanggang alas 10:00 ng umaga ang mga residente para payagang silipin ang kanilang mga tahanan at kunin ang mga naiwang alagang hayop.
Sa ngayon ay nasa 42,000 indibiduwal na sa bayan ng Agoncillo ang apektado ng taal.