Mga domestic shipping lines, inobliga ng DOTr na magtalaga ng cargo space kada biyahe para sa agricultural at food products

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang domestic shipping lines na maglaan ng espasyo sa bawat biyahe ng barko para sa akomodasyon ng agricultural and food products.

Naglabas ng Department Order 2020-007 si DOTr Secretary Arthur Tugade alinsunod sa hakbang ng gobyerno na layong mabawasan ang mga masamang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga kinakailangang resources at pagpapatupad ng angkop na pagtugon.

Paliwanag ni Tugade, sa panahon aniya na may banta ng COVID-19, dapat tiyakin na hindi mapigilan ang produksyon at delivery ng pagkain at agricultural items.


Sabi pa ni Tugade, mahalaga umano ito lalupa’t maraming parte sa bansa ang nasa ilalim pa ng community quarantine kung saan limitado ang galaw ng tao.

Inatasan din ni Tugade ang Maritime Industry Authority (MARINA) na maglabas ng guidelines ng Department Order sa loob ng 30 araw mula sa pagiging epektibo nito.

Dapat ding tiyakin ng Philippine Ports Authority (PPA) na nasusunod ng domestic shipping companies ang kautusan at patawan ng sanctions ang mga non-compliance.

Facebook Comments