Mga donasyon, dumagsa at pamamahagi ng relief goods nagpapatuloy sa Cainta, Rizal

Namayani ang Spirit of Bayanihan kung saan walang tigil ang pagdating ng mga donasyon na galing sa iba’t-ibang Pribadong Kumpanya at indibidwal na pawang mga residente ng Cainta, Rizal at namahagi naman ng relief goods ang pamunuan ng Cainta, Rizal Government na nawalan ng trabaho dulot ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa kanyang Facebook page, nagpasalamat si Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto sa mga indibidwal gaya nina Agustin & Esmayan Jabson Family na nag-donate ng 300 piraso ng embutido na ipapadala naman ng alkalde sa Lakas Bisig, Blk. 2, Platters Street, Cainta, Rizal at kay Merry Batoon ng Outdoor Asia ng Village East ng namigay ng isang truck na iba’t-ibang klase ng gulay para makinabangan ng mga mahihirap na residente ng Cainta, Rizal.

Paliwanag ng alkalde malaking tulong ang mga donasyon na ibinibigay sa kanya ng mga pribadong kumpanya at indibidwal kung saan ay ibabahagi naman ni Mayor Nieto sa kanyang mga nasasakupan.


Ngayong araw, magsasagawa ng relief operation ang Cainta, Rizal Government kung saan ay mamahagi sila ng mga relief goods na mga bigas, canned goods at noodles sa mga residente ng Brookside, Greenwoods, Country Homes, Don Mariano at Lakas Tao Alley ng tig-500 packs ng relief goods na ang mga laman ay bigas, canned goods at noodles.

Pinayuhan naman ni Mayor Nieto ang mga residente ng Cainta, Rizal na manatili lamang sa kani-kanilang mga bahay dahil gagawa ng paraan ang Cainta, Rizal Government na mapapadalhan sila ng mga relief goods.

Facebook Comments