Mga donasyon, dumagsa; relief operations sa ilang mga barangay, nagpapatuloy sa Cainta, Rizal

Dumagsa ang mga donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal at kumpanya ang nakarating sa tanggapan ng Cainta, Rizal Government at tuluy-tuloy rin ang ginagawang relief operation sa ilang lugar sa Cainta, Rizal.

Sa kanyang Facebook page, pinasalamatan ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto ang ilang mga indibidwal na nag-donate ng 3,000 mainit na pandesal, 142 piraso ng embutido at 27 bags ng frozen breastmilk.

Ayon kay Mayor Nieto, mamahagi siya ngayon ng 1,000 food packs sa Ortigas, Royale, Valley Mansion, Valley View, Royale, Apple 1 & 2 at Sampalukan; 700 food packs sa Saint Joseph; 300 food packs sa Don Mariano; sa Queba Imelda Avenue, 7 food packs; at 10 food packs na ipamamahagi sa Halena Compound, Imelda Avenue, Cainta, Rizal.


Paliwanag ng alkalde, gumagawa siya ng pamaraan upang hindi magugutom ang kanyang mga kababayan kaya nagpasubasta na rin siya ng kanyang mga sapatos at ang pinagbibilhan ay ipamamahagi naman niya sa mga nawawalan ng trabaho.

Facebook Comments