Mga donasyon dumagsa sa Cainta Rizal Government, relief operation ipagpapatuloy sa ilang mga lugar sa Cainta Rizal

Dumarami ang mga good Samaritan sa Cainta Rizal kung saan sunod sunod nag pagdating ng mga donasyon mula sa ibat ibang indibidwal at Kumpanya para tulungan ang mga mahihirap na residente na nawalan ng trabaho dahil sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa kanyang Facebook page sinabi ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto n alubos siyang nagpapasalamat sa mga good Samaritan na mga residente ng Cainta Rizal na nagbayanihan upang tulungan ang kanilang mga kababayan na mga mahihirap na residente.

Ayon kay Mayor Nieto dumagsa sa kanyang opisina ang mga donasyon mula sa mga indibidwal at Kumpanya upang alalayan ang kanilang mga kababayan na nagugutom dahil sa nakatakdang pagpapalawig na na nama  ng ECQ hanggang Mayo 15,2020.


Paliwanag ng Alkalde mayroon Php 4,000 na donasyon mula kay Edwin Bayani donasyon naman ng 10 sakong ng bigas na tig 5 kilo at isa pang donasyon mula sa Village East na 120 na food packs na pansit with pandesal na ipapadala naman ng alkalde sa Emerald Street.

Nagpapatuloy naman ang relief operation sa Anak Pawis kung saan 1000 food packs ang ibabahagi sa Village East,habang 400 na food packs naman ang ipapadala sa Visda Verde.

Facebook Comments