Mga donasyon ng iba’t-ibang pribadong sektor, bumuhos sa Cainta, Rizal

37

Nagpaabot ng pasasalamat si Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto sa ibang mga mga pribadong sektor matapos na sunod-sunod na dumagsa ang mga donasyon dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa kanyang Facebook page nagpaabot na pasasalamat si Mayor Nieto kay Mr. Robert Sy na namahagi ng 100 sako ng bigas, sa Pan de Manila dahil nagbigay ito ng 2,000 piraso ng pandesal at 200,000 piso kung saan ay ipamamahagi naman ng alkalde ang naturang donasyon sa Park Place Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.


Nagpasalamat din ang alkalde kay Jorgen De Leon I dahil  sa anim na boxes na pandesal na ipinadala nito at ibinigay naman ng alkalde ang naturang mga donasyon sa Falconville, maging sa mag-asawang Gil at Juvy Agor na residente ng Greenland na matagal  ng kaibigan ng alkalde na nagbigay naman ng 50,000 piso at agad na bibigyan nito ng resibo ngayong araw sa ibinigay nitong cash donations.

Facebook Comments