Mangangailangan ng Emergency Use Authorization (EUA) ang lahat ng COVID-19 vaccines bago ito magamit sa bansa.
Sa statement ng Food and Drug Administration (FDA), ang mga nais mag-donate ng bakuna ay kailangang makipag-coordinate sa Department of Health (DOH) na siyang tatanggap at poproseso ng mga donasyon.
Isasalang din ng DOH sa evaluation ang mga donated vaccines.
Kapag walang EUA ang donated COVID-19 vaccines mula sa FDA, ang DOH ang mag-a-apply para sa EUA ng mga ito para matiyak na ligtas at mabisa ang mga ito.
Maaari lamang i-distribute ang mga produkto sa mga target na benepisyaryo kapag nabigyan na ito ng awtorisasyon ng FDA.
Facebook Comments