Mga Do’s at Don’ts sa community quarantine, sisimplehan ng IATF

Balak ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gawing simple ang do’s at don’ts sa community quarantine classification.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap ng mga reklamo hinggil sa mga binabagong patakaran.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang klaruhin ang quarantine protocols matapos itong amiyendahan para sa ligtas na pagbubukas ng ekonomiya.


Binigyang diin ni Roque na ipinapatupad ng gobyerno ang community quarantine restrictions para matiyak ang kalusugan ng publiko sa harap ng banta ng COVID-19.

Sa ngayon, halos lahat ng bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) habang ang Metro Manila at ilang lalawigan ay nasa ilalim ng GCQ.

Facebook Comments