Manila, Philippines – Nangakong aayudahan ng Land transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mga driver ng Angkas at mga habal-habal.
Ito ay matapos na ipasara ng ahensya ang motorcycle-based ride service na Angkas.
Ayon kay LTFRB boardmember at spokesperson Atty. Aileen Lizada, makikipag-ugnayan sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) para mabigyan ng trabaho ang mga naapektuhang tsuper.
Inimbitahan din ng LTFRB ang mga Angkas at habal-habal drivers sa isang dayalogo sa December 12.
Sa December 13 naman, magkakaroon ng isang buong araw na job fair sa LTFRB na sasabayan ng orientation tungkol sa mga livelihood projects para sa mga Angkas at habal-habal driver.
Facebook Comments