Mga drayber sa Quezon City, nagsasagawa ng Busina Balik-Pasada caravan

Nagsagawa ng isa pang Busina Balik-Pasada ang mga drayber sa Quezon City upang manawagan ng 100% balik-pasada ngayong niluluwagan na ang community quarantine.

Alas-9:00 kaninang umaga nang magsimulang umusad ang caravan ng grupong PISTON sa Litex.

Bitbit nila ang mga plakard na nanawagan ng ayuda sa gobyerno sa gitna ng pandemya.


Humihingi rin ang grupo ng isang dayalog ng mga drayber kay Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Setyembre 10 upang hingin ang kanyang tulong na maiparating ang kanilang mga hinaing sa Metro Manila Council (MMC) at Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, mayroon ng rekomendasyon na inihain sa IATF para payagang makabyaheng muli ang provincial buses matapos ang anim na buwang pagkatengga nito dulot ng community quarantine.

Sabi ni Malaya, pag-uusapan ng IATF sa susunod nilang pagpupulong kung dapat na bang payagang makabyahe ang mga ito para makabagon ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments