May ilang mga driver at operator na naunang nag-consolidate sa PUV Modernization program ang umatras na, ayon sa panayam ng DZXL News sa lider ng grupong MANIBELA na si Mar Valbuena.
Ayon kay Valbuena, ito ay dahil mas nalulugi raw ang mga tsuper sa walang katapusang bayarin at pagbawas sa kanilang mga biyahe na nagiging dalawang beses na lamang sa isang linggo.
Dahil dito, pahayag ni Valbuena, tumitindig pa rin ang MANIBELA na tutol sila sa modernisasyon ng mga public utility vehicle hangga’t hindi pa muling napag-aaralan ang nasabing batas, lalo pa na may mga nagwi-withdraw mula sa kanilang consolidation.
Binanggit pa ni Valbuena na kahit Senado na ang nagpa-extend ng consolidation hanggang November 29 ay hindi pa rin nakinig si Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang mga hinaing.
Kaya naman, muling magsasagawa ng 2-day nationwide protest ang transport groups na MANIBELA at PISTON upang maiparating sa gobyerno ang kanilang mariing pagtutol sa jeepney phaseout at PUV modernization.