Nagsagawa ng operasyon ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) kaugnay sa pinaiiral na health protocol laban sa COVID-19.
Alas-8:00 ng umaga nang simulan ng grupo ni Retired Colonel Manuel Bonnevie ang pagsita sa mga pumapasadang bus at jeepney sa kahabaan ng Lawton, Maynila.
Ikinagulat ng grupo ni Bonnevie na karamihan sa mga tsuper at mga pasahero ng mga bus at jeep ay walang suot na face shield at facemask.
Dahil dito, agad nilang hinuli ang mga pasaway na driver ng jeep at bus gayundin ang mga pasahero nito.
Maging ang ilang naka-motorsiklo na hindi nagsusuot ng helmet at hindi tama ang kasuotan ay binigyan rin ng violation ticket.
Nasa 36 na violators ang hinuli dahil sa iba’t ibang paglabag gaya ng out of line bukod pa sa health protocol.
Sinabi pa ni Bonnevie na malalaki ang penalty ng mga nahulo lalo na’t natuklasan na maraming paglabag ang nagawa ng mga ito.
Napilitan naman bumili ng face shield at facemask ang iba mga pasahero na naaktuhang lumabag sa ipinapatupad na minimum health protocols kontra COVID-19.