Mga driver, haharangin para makiisa sa tigil pasada

Manila, Philippines – Balak ng grupong PISTON na mangharang mga ibang driver para makiisa sa kanilang dalawang araw na tigil pasada.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Board Member Atty. Aileen Lizada, nakakuha sila ng impormasyon na isasagawa ng grupo ang panghaharap sa mga lungsod ng Malabon, Caloocan at ilang lugar sa Bulacan.

Dahil dito, hihiling aniya sila ng tulong sa Philippine National Police para pigilan ang balak na panghaharang ng grupong PISTON para maiwasan ang anumang gulo.


Facebook Comments