Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na hindi papayagang magmaneho ang mga driver ng pampublikong sasakyan ang maging ang mga konduktor ay hindi pinamayagang sumama sa driver na mataas ang temperatura ng kanilang katawan o nilalagnat.
Sa isinagawang virtual presser ipinaliwanag ng DOTr na kaligtasan ng mga pasahero ang kanilang isinaalang- alang kaya maging ang mga pasahero ay mandatory din na dumadaan sa thermal scanner upang malaman kung mataas ang temperatura ng kanilang katawan.
Ipinatutupad ng DOTr ang isang metrong distansiya para sa mga pampublikong sasakyan at kinakailangan 50 porsyento lamang ang pinapayagang papasukin sa kanilang mga pampublikong sasakyan.
Paliwanag ng DOTr maging sa mga Paliparan ay dumadaan sa thermal scanner ang lahat ng mga pasaherong lalabas sa Manila Internationa Airport at kapag nakitaan ng lagnat o mataas ang temperatura ng kanilang katawan ay irerefer nila sa kanilang Medical Department upang masuri ang naturang mga pasahero.
Obligado rin na magsuot ang mga driver,konduktor maging ang mga pasahero ng facemask para na rin sa kaligtasan ng lahat upang hindi mahawaan ng COVID-19.