Mga driver na hindi sumusunod sa railroad crossings, lagot!  

Mahigpit na ipapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ang mga parusa laban sa mga driver na lumalabag sa batas trapiko pagdating sa railroad crossings o pagtawid sa riles ng tren.

Ito’y kasunod ng direktiba ng Department of Transportation (DOTR).

Iginiit ni DOTR Usec. For Road Transport and Infrastructure Mark De Leon, nakasaad sa Land Transportation and Traffic Code na kailangang ihinto ng mga driver ang kanilang mga sasakyan bago tumawid ng riles upang maiwasan ang mga aksidente.


Maliban sa kaligtasan ng publiko, kailangan ding protektahan ang rail infrastructure.

Ang LTO at Philippine National Railways (PNR) ay nasa proseso na sa pagbuo ng enforcement mechanisms upang parusahan ang mga pasaway na motorista.

Facebook Comments